sam

sam

Thursday, September 23, 2010

"BHEBHE"

Love na ba itong aking nadarama?
Alisin ka sa aking isipa'y 'di ko magawa
'Waring naghihintay ng pagkakataon para makita ka
Regalong nais kong makuha

Ewan ko ba, sa tuwing ika'y naaalala
Ngiti sa aking mukha'y tila hanggang bukas pa
Crush kita, crush na crush kita
Eto ako, humahanga sa'yo ng sobra sobra

Akin ka lang pwede ba?
Bakit tumitingin ka pa sa iba?
Oo, nagseselos ako! ngayon alam mo na
Ngunit, para 'san pa 'to kung may mahal ka na

Dati rati nag- iisa ka
Eh ngayon, kasama mo na siya
Lungkot aking nadarama, pero wala akong magagawa
Alam kong sa kanya ka masaya

Crush kita, basta crush pa rin kita
Ramdam ko, sa akin ikaw ay mahalaga kaya
Uulit- uulitin kong tanawin ka
Zorry ka na lang, mukha mo ang gusto kong makita